Veteran Talent Manager Lolit Solis “Swerte pa rin ang Pinas! Mawala lang ang Droga, Tatahimik Tayo!”




Sa isang instagram post, sinabi ng beteranong talent manager na si Lolit SOlis na swerte pa ring umano ang Pilipinas kung ikukumpara sa ilang bansa. Ikinumpara ni Solis ang Pilipinas sa ilang bansa gitnang Amerika kung saan ang mga tao ay gustong pumunta sa Estado Unidos para takasan ang kahirapan na nararanasan nila sa kanilang inang bayan. Hindi daw ito katulad ng karamihan sa mga Pilipino na kuntento sa sariling bansa sa kabila ngkahirapan.

“Kung ikukumpara mo Salve iyon bayan natin sa mga nangyayari ngayon sa ibang bansa, parang matutuwa ka pa na mas maganda ang katayuan natin kaysa sa iba. Iyon mga tumatakas sa bayan nila para mag-migrate, iyon binabantayan ang Mexican borders dahil sa dami ng gustong pumasok sa US, ang mga nalulunod sa dagat dahil ayaw tanggapin sa borders ng mga bansang gusto nilang pasukin, you feel lucky na tayo may sariling bayan, na tayo hindi tumatakas para mapunta sa ibang bansa, na tayo secure pa rin ang feeling sa loob ng bayan natin,” sabi ni Solis.

Ikinalungkot naman ng prominenteng talent manager ang inaasal ng ilan nating kababayan. Panay reklamo pa rin daw ang ilan sa mga Pilipino. Pero naniniwala siya na pag nagtagumpay ang kampanya kontra-droga ng kasalukuyang administrasyon, mas magiging ligtas ang Pilipinas.


“Ang dami pa rin natin dapat ipagpasalamat, hindi nga ganun kaganda ang ibang pangyayari, pero mas maganda pa rin ang kinalalagyan natin. Hindi nga lang makontento ang marami, kahit ano complaint pa rin ang ginagawa but when you see the sad situation of the other, then makikita mo na nasa much better situation tayo. Na mahal pa rin tayo ni God, na siguro mas matindi ang prayers natin kaya lang siyempre meron pa rin mga tao na sagad ang kasamaan kaya may mga nasasaktan, mawala lang ang drugs sure ako tatahimik na tayo. Kaya nga we should be thankful and pray more,” dagdag pa ni Solis.



Sponsor

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


[SOURCE]-citizenexpress



Loading...
Veteran Talent Manager Lolit Solis “Swerte pa rin ang Pinas! Mawala lang ang Droga, Tatahimik Tayo!” Veteran Talent Manager Lolit Solis “Swerte pa rin ang Pinas! Mawala lang ang Droga, Tatahimik Tayo!” Reviewed by Unknown on 1:31 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.