Wow!Tribu ng Lumads, Tatanggap ng 3.2 hectares ng lupa sa Boracay, Kinompirma ng DAR"




Sa wakas, ang tribu ng Ati na naninirahan sa isla ng Boracay ay makakakuha ng 3.2 ektarya ng lupa sa Barangay Manoc-manoc, ayon sa Department of Agrarian Reform. Kinumpirma ng DAR noong Lunes na ipamamahagi nila sa Nobyembre 8 ang mga titulo ng lupa sa tribo ng Ati.

“We were able to verify their claim that they were the first settlers of the land and because of that we underwent some sort of a process and we were able to identify them as the recipients of this land,” ayon kay DAR Secretary John Castriciones.




Mayroong 44 na mga pamilya ang tatanggap ng apat na Certificates of Land Ownership Awards (CLOA). Noong nakaraang Mayo, sinabi na ni Pangulong Duterte na ilalagay niya ang Boracay sa land reform.

Sa kanyang speech noong Setyembre, sinabi niya ang kanyang plano na ipamahagi ang mga lupang sakahan sa mga apektadong residente ng Boracay.

“I’m declaring land reform sa entire island of Boracay. Usap na lang kami sa Congress [I will just talk to the Congress]. The entire island will be declared as a land reform area. Sagarin na natin. [Let’s push it.] Give it to the people,” ayon kay Duterte. 




Ayon sa ulat, hindi naglabas ang DAR ng isang eksaktong halaga ng pera na katumbas sa 3.2-ektaryang lupain. Ngunit malinaw, sa ilalim ng RA 6657(Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988) at RA 9700 (Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms), ang mga beneficiaries ay hindi pwedeng magbenta o magpahiwalay sa lupain sa loob ng 10 taon. Hindi rin sila pinahihintulutang i-lease ito sa iba.

Sinabi ni Castriciones na magsasagawa ang DAR ng pagsasanay sa agrikultura para sa mga beneficiaries nito. Na maaari silang maging pangunahing mga supplier ng mga gulay at iba pang pananim sa mga hotel at restaurant sa isla.

Sponsor

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


[SOURCE]- CNN,GMA



Loading...
Wow!Tribu ng Lumads, Tatanggap ng 3.2 hectares ng lupa sa Boracay, Kinompirma ng DAR" Wow!Tribu ng Lumads, Tatanggap ng 3.2 hectares ng lupa sa Boracay, Kinompirma ng DAR" Reviewed by Unknown on 1:55 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.