NORTH COTABATO — Illegal na droga at 13 mga matatas na armas ang nakumpiska ng mga otoridad ng kanilang salakayin ang limang mga kabahayan sa loob ng compound ng Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST, isang state run college na pinatatakbo ng gobyerno sa Brgy. Doruloman, Arakan, North Cotabato.
Bukod sa mga armas ay nasamsam din ng mga otoridad ang nasa 25 sako ng illegal na droga (shabu) na tinatayang nasa P17,000.00 ang street value ng bawat isang pack nito. Pansamantalang di muna pinapasok ang maraming mga estudyante ng eskwelahan dahil pinalibutan ng mga sundalo at pulis ang compound ng paaralan. Wala naman sa lugar si Dr. Molao ng isinagawa ang search warrant implementation. Subject na ng manhunt ng otoridad ang Pangulo ng CFCST. Lima naman sa mga tauhan nito ang naaresto./Dnxd RadyoBida Kidapawan
Courtesy Picture: Dxnd Radyo Bida 747 Kidapawan City
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
[SOURCE]- citizenbalitaphil.blogspot.com
Loading...
Must Look: State-run College nilusob ng PDEA, 25 sako ng shabu at mga armas nasabat
Reviewed by Unknown
on
4:02 PM
Rating:
mabuti nlng at strictly implemented ang anti illegal drugs campaign ng Gobyerno...
ReplyDelete