GOOD NEWS:Bagong Ferry na Biyaheng Metro Manila Patungong Cavite Target ng DOTr para maging solusyon sa trapiko




Target ng Department of Transportation (DOTr) na makapaglunsad ng passenger ferry na bibiyahe mula Metro Manila patungo ng Cavite.

Ito ay upang mabigyan ng opsyon ang mga commuters sa ibang pamamaraan ng transportasyon.


Personal na tinesting ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagbiyahe mula Pasay City hangang Tanza, Cavite.

Sa bilis na 20 knots ng passenger ferry, mula SM Mall of Asia nakarating ang team sa Cavite Gateway Terminal sa Tanza, Cavite sa loob lamang ng 50-minuto.

Dagdag na 15-minuto naman ang biyahe patungo sa Sangley Point.

Kung sa kalsada daraan, kadalasang traffic ang inaabot ng mga motorista sa rutang ito kaya patuloy ang pagsisikap ni Sec. Tugade na maglatag ng transportation options na makapagbibigay ginhawa sa mga commuter.
"Diba ang gusto ng pangulo ay comfortable life for all? Ito ginagawa natin para mabigay yan sa mga Pilipino. Hindi lang isang solusyon ang tinitingnan natin. Basket of solutions dapat. Lahat ng solusyong iyan ay pagbubuklurin natin,” sabi ni Sec. Tugade.

Sponsor

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


[SOURCE]-



Loading...
GOOD NEWS:Bagong Ferry na Biyaheng Metro Manila Patungong Cavite Target ng DOTr para maging solusyon sa trapiko GOOD NEWS:Bagong Ferry na Biyaheng Metro Manila Patungong Cavite Target ng DOTr para maging solusyon sa trapiko Reviewed by Unknown on 5:00 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.